Ni NORA CALDERON

MISS na miss na at naiinip na ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza. November 27 pa kasi ang last appearance ni Maine sa Eat Bulaga at pagkatapos noon, napabalitang umalis sila ng nanay niyang si Mary Ann Mendoza for the USA at tuluy-tuloy na ang bakasyon niya with her siblings, sina Nico, Coleen at Dean sa Florida.

Alden & Maine slow dance copy

Nag-post lamang si Maine ng sexy pictures niya sa South Beach sa Miami, Florida at noong Christmas, ng photo nilang magkakapatid.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Umalis naman si Alden with his whole family for Japan, naglibot sila sa iba-ibang lugar doon at nasundan naman ito ng fans sa pamamagitan ng Instagram stories at posts ng aktor. Bumalik na ng Pilipinas sina Alden kahapon. Pero si Maine, wala pang balita kung kailan babalik ng bansa. Ang sure daw, sabay na silang aapir ni Alden sa Eat Bulaga sa January 1, dahil tradition na sa show na live na sila tuwing first day of the year.

Pero naiinip pa rin ang AlDub Nation na mapanood ang magka-love team hindi lamang sa EB kundi sa movie at sa teleserye muli. Kaya natuwa sila nang maglabas ang AGB Nielsen, ang survey data na gamit ng GMA Network at ng maraming companies here and abroad, ng report na ang first teleserye nina Alden at Maine, ang Destined To Be Yours ay nakakuha ng highest rating ng pilot episode sa primetime for 2017.

Nag-pilot episode ang teleserye noong February 27 at tumanggap ito ng 22.5% ayon sa AGB Nielsen Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM). Pumangalawa lamang ang My Dear Heart (ABS-CBN) ng 21.3%.

Pumasok din sa mataas na ratings ang iba pang Kapuso teleserye na Meant To Be (17.8%) Mulawin vs Ravena (12.2%), My Love From The Star (11.0%), Alyas Robin Hood 2 (10.7%) at Super Ma’am (9.5%).

Pagbigyan kayang muli ang AlDub Nation ng GMA-7 ng panibagong teleserye nina Alden at Maine? Paano ang sinabi ni Mr. Antonio P. Tuviera na sisimulang movie ng dalawa this early 2018?