Inihayag ang balita makaraang hindi sang-ayunan ng anak ni Fujimori, si Kenji, ang boto sa parlamento kaya hindi napababa sa puwesto si Peruvian President Pedro Pablo Kuczynski, at napag-usapan ang espekulasyon tungkol sa pagpapawalang-bisa sa sentensiya ng 79-anyos na dating lider, bilang political payback.
“The president of the republic... has decided to grant a humanitarian pardon to Mr Alberto Fujimori and seven other people in similar condition,” saad sa pahayag ng presidency.
Tinukoy din ng medical team na “Mr Fujimori suffers from a progressive, degenerative and incurable illness and that prison conditions represent a grave risk to his life,” saad pa sa pahayag.
Nagsilbi si Fujimori bilang pangulo ng Peru simula 1990 hanggang 2000, at nakulong noong 2005.- AFP