Ni Bella Gamotea
Ipinatatanggal ng National Independent Travel Agencies (NITAS), ang pinakamalaking organisasyon ng travel agents sa Pilipinas na may mahigit 2,000 miyembro, ang comfort women statue sa Roxas Boulevard na pinasinayaan ngayong buwan.
Sinabi ni Consul Robert Lim Joseph, chairman ng NITAS, na patuloy na nakatatanggap ang kanilang organisasyon ng mga negatibong feedback mula sa mga turistang Japanese at Pinoy na nakatira sa Japan.
“The Japanese are slighted with the erection of the comfort women statue along Roxas Boulevard,” sabi ng consul.
“The Japanese are portrayed as villain in this statue and will remain a villain until the statue is removed,” dugtong ni Joseph.
Aniya, una nang humingi ng paumanhin sa publiko ang Japanese government at sinimulan na rin ang programang kompensasyon nito para sa lahat ng biktima ng giyera at sa pamamagitan ng rebulto ay maaari umanong umusbong ang galit, o makasira ito sa magandang ugnayan ng Pilipinas at Japan.
Nabatid ng NITAS at ni Joseph na kapag hindi natanggal ang nasabing estatwa, posibleng bumaba ang bilang ng mga turistang Japanese na bumibisita sa bansa.
“Japanese tourist and investors are considered as top visitors and investors in our (NITAS) list and if the word of hate is continued with the comfort women statue we will not be surprised if the tradition clad Japanese will be unite and stop visiting Philippines,” ani Joseph.