Ni Nitz Miralles

NANGANAK na si Kaye Abad at lalaki ang first baby nila ng asawang si Paul Jake Castillo na pinangalanan nila ng Pio Joaquin.

KAYE, PAUL JAKE AT BABY JOAQUIN copy

Nakakatuwa dahil December 22 nang ipanganak ni Kaye ang baby nila na birthday rin ni Paul Jake. Sa Makati Medical Center nanganak ang aktres.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya ang message ni Paul Jake ay, “Couldn’t have asked for anything else on my birthday!!! Thanks my love for the best birthday gift!!! Joaquin!!! Another chapter in life... my ironboard.”

Good for two naman ang birthday message ni Kaye na, “Happy birthday daddy and happy birthday Joaquin.”

Inulan ng congratulatory messages ang social media accounts nina Kaye at Paul Jake at may mga nakakatuwang messages kaming nabasa. Isa ang pagiging unfair daw ni Kaye dahil kahit bagong panganak at nasa obstetric delivery table pa, maganda pa rin.