Ni Nitz Miralles

KUNG nakipagpustahan kami kay Ken Chan na mag-i-extend siya ng bakasyon niya sa Amerika, nanalo sana kami dahil hindi siya nakabalik ng Pilipinas noong December 10 gaya ng sinabi niya.

Sabi kasi ni Ken, 10 days lang siya sa Amerika dahil hindi siya pinayagan ng GMA Artist Center, pero nag-enjoy ang aktor sa first US trip niya, kaya ilang araw siyang nag-extend.

As of yesterday, nahinto ang pagpo-post ni Ken sa Instagram ng mga lugar na pinuntahan niya sa Amerika, kaya malamang na pabalik na siya o nakabalik na.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Nasunod ang binanggit niyang itinerary dahil nakapunta siya sa Los Angeles, Sta. Monica, Anaheim (sa Californina), Las Vegas, Maryland, Washington D.C. at New York. Ang hindi lang yata napuntahan na nasa plano ni Ken ay ang Chicago.

Natupad din ang pangarap niyang makapanood ng Broadway musical dahil may post siya nang manood ng Charlie and The Chocolate Factory. Napuntahan din niya sa New York ang Serendipity restaurant na location ng maraming Hollywood movies kabilang ang rom-com movie na Serendipity.

Hindi lang akalain na maba-bash si Ken dahil sa ipinost na picture na hinahalikan niya ang wax figure ni Selena Gomez na naka-display sa Madame Tussauds Wax Museum sa New York.

Hindi yata napansin ng basher na wax figure lang ang hinalikan ni Ken at nilagyan ng caption na, “I love you Selena”.

Sinabihan si Ken ng, “Hindi ka magugustuhan ni Selena, ikakasal na sila ni The Weekend yuks love ka ba ni Selena mukhang hindi naman ka nya love” na sinundan pa ng, “Hindi naman mahal ni Selena si @akosikencha hindi na sila bagay at parang hindi si Selena Gomez??? Kakaiba yung mukha.”

Tumigil lang ang basher nang ipamukha sa kanya ng ibang followers ni Ken na wax figure lang ang hinalikan ni Ken, kaya wala itong boyfriend na magseselos. Tila malabo ang mga mata ng basher.