Ni NITZ MIRALLES

Glaiza de Castro
Glaiza de Castro
IPINAPALABAS na ang omnibus trailer ng new shows ng GMA-7 sa 2018 at isa sa mga ito ang trailer ng Contessa, ang afternoon soap na pagbibidahan ni Glaiza de Castro.

Mabigat ang pressure sa aktres dahil kumpirmado nang ang soap, title role siya, at papalitan niya ang hit na Ika-6 Na Utos.

Kung titingnan, mahirap sundan at pantayan ang Ika-6 Na Utos na simula nang mag-pilot at hanggang ngayon, number one pa rin sa pataasan ng ratings at ilang beses na-extend. Nabanggit nga ni Direk Laurice Guillen na mas mataas ang rating nila ‘pag Saturday.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Pero, ayaw magpadala sa takot si Glaiza, sa halip ay nagpapasalamat siya sa bagong soap at naniniwala sa makakasama niya sa cast, sa creative team at kay Direk Albert Langitan.

Si Direk Albert din ang director ng Rhodora X at ng isa pang hit afternoon soap na Impostora.

“Thank you, Lord for giving me this opportunity to tell another empowering story, meet new people and work with friends,” sey ni Glaiza.

Makakasama ni Glaiza sa cast ng Contessa sina Gabby Eigenmann, Lauren Young, ang nagbabalik Kapuso na si Geoff Eigenmann, sina Jak Roberto at Chanda Romero.