Ni PNA

ISA sa mga popular na kapistahan sa bansa ang Giant Lantern Festival sa San Fernando City, Pampanga, na naghahatid ng masaya at makulay na diwa ng Pasko at ang dahilan kaya tinagurian ang lungsod na “Christmas Capital of the Philippines.”

Lokal na kilala bilang “Ligligan Parul”, ito ang taunang paligsahan sa paggawa ng parol at dinarayo ng libu-libong lokal at dayuhang turista na nag-aabang sa kagandahan ng mga parol. Naging tanyag ang kapistahang ito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa dahil sa kamangha-manghang display ng mga ilaw at disenyo ng mga parol, na taunang nagpapatalbugan upang masungkit ang titulong “brightest star” ng gabi.

Sa likod ng maningning na tagumpay ng taunang selebrasyon na ito ay ang malikhain at makabagong mga tagagawa ng Kapampangan lantern.

Night Owl

Isang pribilehiyong maging bahagi ng 125 taong kasaysayan ng Manila Bulletin

Ang higanteng parol — na dapat na nasa 20 talampakan ang taas — ay yari sa libu-libong makukulay na bumbilya na ikinabit o ipinalibot sa mga wire. Ang nakakabilib at malikot na paggalaw ng mga ilaw na ito ay manu-manong ginagawa sa pamamagitan ng makabagong ideya ng Kapampangan na tinatawag na “rotor.”

“The rotor dictates the dancing lights’ routine,” lahad ni Teddy Aguilar, tagagawa ng parol sa Barangay Dolores, at sinabing gagamit ng siyam na rotor sa 2017 Giant Lantern Festival Competition sa Sabado, Disyembre 16, sa San Fernando City.

Gumawa ng kasaysayan ang Barangay Dolores sa taunang paligsahan matapos na iwui ang premyo sa tatlong magkakasunod na taon simula noong 2014.

“The key to victory is creativity. The designs, colors and lights should blend well together to produce a great lantern,” ani Aguilar.

Aniya, nagtutulung-tulong ang kanilang grupo at ginagawa ang lahat ng makakaya upang maidepensa ang kanilang titulo.

“We will show new designs. With three consecutive victories, we will do our best to defend our title. And of course, we want to make the audience happy,” aniya.

Inihayag naman ni Rogelio Santos, lantern supervisor sa barangay, na ang mga natanggap nilang karangalan ay nagsisilbing inspirasyon upang gawin nila ang lahat ng kanilang makakaya. “We are doing this not only for us, but we also want to preserve the distinction of San Fernando, being the Christmas Capital of the Philippines. Thus, we are thinking new ideas,” ani Santos.

Gayundin, nagsasagawa ng pamahalaang panglunsod ng taunang inter-school lantern parade competition, alinsunod sa Giant Lantern Festival.

Sinabi ni Santiago na bukod sa pagpapanatili ng kultural na tradisyon ng lungsod, ang aktibidad ay epektibong paraan din sa pagsusulong ng paggawa ng parol sa kabataang Fernandino.