PAGBIBIDAHAN ng apat sa pinakamahuhusay na teen stars ngayon na sina Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal at Jon Lucas ang pinakabagong horror masterpiece ng Regal Entertainment, Inc. na Haunted Forest na mapapanood sa mga sinehan nationwide simula ngayong Pasko bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

JANE JON MARIS AT JAMESON copy

Nagkaroon ng kani-kaniyang markadong pagganap sa TV at pelikula, ngayon ay handang-handa na muli sina Jane, Jameson, Maris at Jon na ibahagi sa publiko ang iba pang kaya nilang gawin bilang mga aktor.

 

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

“Malaking challenge but at the same time, big blessing po para sa aming lahat ang Haunted Forest. Challenge, because it’s the only horror film in the MMFF lineup and it’s a Christmas blessing dahil hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng pagkakataong maging bahagi ng almost 60-year legacy ng Regal. Anuman ang generation natin, halos lahat ng Pilipino ay laking Regal movies katulad ng classic films na Aswang, Tiyanak, Haunted Mansion, and most of all, the Shake, Rattle, and Roll series,” pahayag ni Jane na tinatagurian nang Princess of Horror Movies dahil sa mahusay niyang pagganap sa magkakasunod na horror films na pinagbidahan niya.

 

Bukod sa horror roles, higit na hinangaan ng mga manonood si Jane nang magkamit ng finalist certificate mula sa New

York Festivals 2013 at nomination sa 41st International Emmy Awards para sa kanyang pinagbidahang Maalaala Mo Kaya episode noong 2012.

 

Katulad ni Jane, todo-buhos din sina Maris, Jameson at Jon sa paghasa ng kanilang galing sa pag-arte. Noong nakaraang taon, umani ng papuri si Maris sa markado niyang pagganap sa pelikulang Vince and Kath and James.

Samantala, pinatunayan naman nina Jameson at Jon (kapwa miyembro ng Hashtags) na hindi lamang sila sa sayaw humahataw kundi maging sa independent films.

 “Sa Haunted Forest, bagong Jane, Maris, Jameson at Jon naman ang makikilala ng madlang pipol. Dito, hindi lang kayo matatakot at kikiligin, may family values rin na ituturo sa atin ‘yung mga character ng film. At dapat ring abangan kung sino si Sitsit na siguradong hinding-hindi natin malilimutan pagkatapos manood ng aming pelikula,” ani Jameson na other half ng pinakabagong love team ngayon, ang JaneSon.

 Bukod sa Regal teen stars, bahagi rin ng Haunted Forest ang mga batikang aktor na sina Raymart Santiago at Joey Marquez. Tampok din sa cast sina Jerald Napoles, Betong Sumaya, Myrtle Sarrosa, Miho Nishida, Beverly Salviejo, Fiona Yang at Kelvin Miranda.

 Sa direksiyon ng international award-winning director na si Ian Loreños, iikot ang kuwento ng Haunted Forest sa mag-amang Aris (Raymart) at Nica (Jane) at sa mga bago nilang makikilala nang madestino si Aris sa probinsiya. Paano babaguhin ng misteryosong gubat ang buhay ng mag-amang halos wasak na ang samahan? Sino ang kinatatakutang Sitsit na susubok sa tibay ng samahan ng magkakaibigang Nica, Mitch (Maris), RJ (Jameson) at Andre (Jon)? Sa huli, matutuklasan ba ni Aris ang lihim sa likod ng kinatatakutang gubat?   

 Humiyaw! Manginig! Umibig. Matuto. Sa trailer pa lang ay masasabing sadsad sa takutan ang pelikula. Mapapanood ang trailer sa Facebook ng Regal Entertainment Inc at Youtube Chanel sa Regal Cinema. Huwag palampasin ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa MMFF 2017, Haunted Forest sa December 25! Rated PG by the MTRCB na mapapanood ng buong pamilya, barkada at mga kaibigan ngayong pasko.

 Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa Haunted Forest, bisitahin lamang ang mga official social media accounts ng

Regal: Facebook.com/RegalEntertainmentInc/, Twitter.com/regalfilms,Youtube.com/RegalCinema at www.instagram.com/regalfilms50.