UMANI ng 63 Anak TV awards ang ABS-CBN para sa child-friendly programs at mga personalidad nito, kabilang ang apat na Kapamilya stars na pumasok sa prestihiyosong Anak TV Makabata Hall of Fame.
Kabilang sa Makabata Hall of Fame si ABS-CBN chief content officer at MMK host Charo Santos-Concio at sina Piolo Pascual, Anne Curtis, at Sharon Cuneta pagkatapos silang iboto bilang Makabata Stars sa loob ng pitong taon.
Male and Female Makabata Stars naman sina Bea Alonzo, Noli de Castro, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Julia Barretto, Daniel Padilla, Lea Salonga, Robi Domingo, Julia Montes, Joshua Garcia, Ian Veneracion, Anthony Taberna, Sylvia Sanchez, Susan Roces, Yassi Pressman, at Pia Wurtzbach.
Samantala, nakamit naman ang Anak TV Seal ng hit ABS-CBN shows na A Love to Last, Be My Lady, FPJ’s Ang Probinsyano, Home Sweetie Home, Langit Lupa, Maalala Mo Kaya, Magandang Buhay, Matanglawin, My Dear Heart, Oyayi, Salamat Dok, Superbook, The Greatest Love, Umagang Kayganda, Wansapanataym, at Your Face Sounds Familiar Kids.
Napabilang naman ang FPJ’s Ang Probinsyano, La Luna Sangre, Maalala Mo Kaya, It’s Showtime, Matanglawin, at TV Patrol sa listahan ng top 10 household favorite TV programs sa buong bansa.
Pinarangalan din ng Anak TV Seal ang mga programa sa ABS-CBN Regional tulad ng TV Patrol Negros (Bacolod), TV Patrol North Central Luzon, TV Patrol Northern Luzon (Baguio), Agri Tayo Dito, Bagong Umaga, Bagong Balita, Bagong Umaga, Sabado Na, Kapamilya Mas Winner Ka (Bacolod), Kapamilya Mas Winner Ka (Cebu), Kapamilya Mas Winner Ka (Davao), Maayong Buntag Kapamilya (Cebu), Maayong Buntag Mindanao, Mag TV De Aton Este (Zamboanga), Mag-TV Na (Cebu), Mag-TV Na, Magnegosyo Ta (Davao), Mag-TV Na Amiga (Bacolod), Mag-TV Na Atin To (Baguio), Mag TV Na Oragon, Magandang Umaga South Central Mindanao, Marhay Na Aga Kapamilya, Naimbag nga Morning Kapamilya (Baguio), at Salandigan (Bacolod).”
Pinipili ang Anak TV Seal awardees ng mga hurado na binubuo ng mga magulang, guro, NGOs, at ibang sektor ng telebisyon. Iginagawad ang Anak TV Seal ng Anak TV Foundation, isang organisasyon na ang layunin ay mapalawak ang “television literacy” at “child-sensitive and family-friendly television” sa bansa.