Nanawagan kahapon ang isang labor group sa employers na simulan na ang pamimigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado bago ang deadline ng paglabas nito sa susunod na linggo.

Sinabi ni Federation of Free Workers (FFW) vice president Julius Cainglet na dapat ikonsidera ng employers ang pagbigay ng mga 13th month pay sa mga susunod na araw upang makatulong sa gastusin ng kanilang mga empleyado sa Pasko.

“This would give workers enough time to buy quality Christmas goods and gifts for the family that are well thought of as they would not be under pressure from the rush,” ani Cainglet. - Samuel Medenilla

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?