"Wala pong katotohanan 'yan."

Ito ang pahayag ni Gener Quitlong, weather specialist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kaugnay ng kumakalat na video sa social media na nagpapakita ng napipintong pagpasok sa bansa ng umano’y “super typhoon”.

“Iyung magkakaroon po ng malakas na bagyo, wala pa ho tayong nakikita,” ani Quitlong.

Paliwanag niya, ang nasabing footage ay lumang video report ng CNN International, na tumutukoy sa bagyong ‘Ruby’ na humagupit sa bansa noong Disyembre 2014.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

Nilinaw ng PAGASA na hanggang kahapon ay wala pa itong namamataang sama ng panahon sa loob o labas ng Pilipinas. - Rommel P. Tabbad