Ni ROBERT R. REQUINTINA

PINANGANGATAWANAN ni Miss Philippines Chanel Olive Thomas ang kanyang titulong Miss Friendship nang sumugod siya kasama ang iba pang kandidata kay Miss Peru na nawalan ng malay habang inihahayag ang Miss Supranational 2017 pageant nang live sa Poland nitong nakaraang Biyernes (Sabado sa Pilipinas.)

CHANEL copy

Hindi lamang sa telebisyon napanood ang video na nag-viral dahil nairekord din ito ng pageant fans sa pamamagitan ng cellphones at in-upload ito sa social media.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Sa video, nawalan ng malay si Miss Peru Lesly Reyna habang inihahayag ng hosts ang mga nagwagi sa kompetisyon.

Nang mawalan ng malay si Miss Peru, ilan sa mga dilag, kabilang si Chanel, ang tumulong at dinala siya malapit backstage.

May kalayuan si Chanel sa komosyon nang tumakbo siya papunta sa mga kandidata. Ilang minuto ang nakararaan, namataana ng Filipino-Australian beauty queen na tumatakbo papunta sa backstage upang humingi ng medical assistance para kay Miss Peru.

Nakita rin sa naturang video si Miss South Sudan Anyier Deng Yuol, ang nagwagi bilang Africa’s Continental Queen of Beauty, na napatingin sa insidente ngunit piniling balewalain ito. Umabot si Yuol sa Top 25 ng patimpalak.

Ito ang pangalawang pagkakapanalo ni Chanel bilang Miss Friendship. Nang nanalo siya bilang Bb. Pilipinas Supranational 2017 noong Abril 30, napanalunan din ng dilag mula Nueva Ecija ang naturang special award.

Umabot si Chanel sa Top 10 ng Miss Supranational 2017 beauty pageant. Si Jenny Kim ng South Korea ang nagwagi sa timpalak.

Mayroong Certificate III sa Business Administration, Certificate III at IV sa Fitness si Chanel. Nais din niyang maging motivational speaker.