ABOARD THE PAPAL PLANE (AP) — Nabanggit din sa wakas ni Pope Francis ang salitang “Rohingya” sa emosyonal na pagharap sa grupo ng refugees noong Biyernes na bumiyahe mula sa mga kampo sa Cox’s Bazar patungo sa Dhaka.

Nagsalita sa mga mamamahayag pauwi ng Vatican mula sa Myanmar at Bangladesh nitong Sabado, sinabi ni Pope Francis na umiyak siya nang makaharap ang Rohingya refugees, at humingi ng paumanhin sa mga dinanas nilang sakit at sa “indifference of the world” sa kanilang kalagayan.

“What did I feel?’’ aniya. “In that moment I cried. I tried not to show it. They wept too.’’

Ipinagtanggol din ni Pope Francis ang pananahimik niya sa Myanmar kaugnay sa kapalaran ng Rohingya refugees, sinabing pinili niyang magsalita sa pangkalahatan tungkol sa human rights sa publiko upang sa pribado ay mas prangka niyang matalakay ang sinasabi ng United Nations na ethnic cleansing laban sa Muslim minority ng Myanmar.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Very, very satisfied” ang papa na naipaabot niya ang kanyang mensahe sa mga pribadong pakikipagpulong kina Aung San Suu Kyi at Myanmar military chief, Gen. Min Aung Hlaing.

“It’s true I didn’t have the pleasure of slamming the door in their face publicly with a denunciation,” ani Pope Francis. “But I had the satisfaction of dialogue, and letting the other side dialogue, and in this way the message arrived.”

“I didn’t negotiate the truth,’’ lahad ng papa.