INANGKIN ng National University ang ika-anim na sunod na kampeonato matapos walisin ang best-of-3 finals series kontra University of the East sa dominanteng 79-68 panalo kahapon sa Game Two sa Araneta Coliseum.

Lumaban ng husto ang Lady Warriors at sa katunayan ay nakalamang pa ng 12 puntos sa second period, ngunit banderang kapos ang Recto-based dribblers.

Nagtala na 19-puntos ang tinanghal na Finals MVP at graduating team captain Trixie Antiquiera upang pamunuan ang panalo. Nag-ambag si Congolese slotman Rhena Itesi ng 15 puntos.

Naiwan ng apat na puntos, 56-60, may 7:47 pang nalalabi sa laban, rumatsada ang Lady Bulldogs at nagbagsak ng 10-1 blast upang agawin ang bentahe, 66-61, may 3:18 ang nalalabi sa laro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dumikit pa sa huling pagkakataon ang Lady Warriors at natapyas ang kalamangan ng Lady Bulldogs sa dalawa,66-68, mula sa limang sunod n puntos ni Ruthlaine Tacula papasok sa huling dalawang minuto ng laro.

Subalit sumagot ang NU ng game telling 11-2 run na tinampukan ng huling pitong sunod na puntos buhat sa graduating guard name si Janet Sison upang selyuhan ang tagumpay na nagpalawig sa marka ng Lady Bulldogs na 64 sunod na panalo mula noong noong 2014.

Nauwi naman sa wala ang game high 25-puntos at 19 puntos nina Tacula at Eunique Chan na kapwa pa naman graduating ngayong taon dahil di nila naisalba sa pagkatalo ang Lady Warriors. - Marivic Awitan

Iskor:

NU (79) - Antiquiera 19, Itesi 15, Nabalan 14, Animam 9, Sison 7, Harada 7, Del Carmen 6, Ano-os 2, Camelo 0, Cacho 0.

UE (68) - Tacula 25, Chan 19, Francisco 6, Sto. Domingo 5, Requiron 5, Ramos 4, Cortizano 2, Gayacao 2.

Quarterscores: 13-16; 33-35; 51-54; 79-68.