Walang plano ang Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa ang voter’s registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakdang idaos sa Mayo 2018.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi sila magpapatupad ng extension sa voter registration na magtatapos ngayong araw, Nobyembre 30, kaya’t dapat nang samantalahin ng mga botante ang pagkakataon upang makapagparehistro.

“#VoterReg2017 ends on Thursday, 30 Nov 2017. No extensions. @COMELEC,” tweet pa ni Jimenez.

Sa huling datos mula sa Election and Barangay Affairs Department (EBAD), 496,816 applications ang natanggap ng Comelec mula Nob. 6 hanggang 25. - Mary Ann Santiago

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal