BOSTON (AP) — Moment sana ni Avery Bradley ang pagbabalik sa Garden, ngunit tila mas nakapaghanda ang kasanggang si Andre Drummond.

Natipa ni Drummond ang 26 puntos at 22 rebounds sa duwelo ng nangungunang koponan sa East tungo sa 118-80 panalo ng Detroit Pistons kontra Celtics nitong Lunes (Martes sa Manila).

“They’ll remember it. That’s one of those memorable games,” sambit ni Drummond, diretsong naglaro sa college mula sa High School.

“We came in, them being the No. 1 team and us getting a lot of points. Me being the hometown kid, having the night I did, that’s something they’ll have to remember.”

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Nanguna si Reggie Jackson sa naiskor na 20 puntos at pitong assists, habang kumubra si Bradley ng 13 puntos laban sa dating koponan. Nagsalansan si Marcus Smart ng 23 puntos mula sa 6 of 9 sa three-point range, habang tumipa si Kyrie Irving ng 18 puntos at siyam na assists para Celtics.

“They tried to take the ball out of Kyrie’s hands, and they did so pretty successfully,” pahayag ni Celtics coach Brad Stevens.

KINGS 110, WARRIORS 106

Sa Oracle Arena, nabokya ng Sacramento Kings ang Warriors sa huling tatlong minuto at naisalpak ni Bogdan Bogdanovic ang go-ahead basket para magwagi sa defending champion.

Nakalamang ang Warriors sa 10 puntos, naglaro na wala ang star player na sina Kevin Durant at Stephen Curry na kapwa may iniindang injury, sa kab uuan ng laro, subalit nakabawi ang Kings tampok ang 9-0 blitz para maagaw ang bentahe sa 83-82.

Naging dikitan ang laban, ngunit matapos makaiskor si Klay Thompson para sa 106-102 bentahe ng Sacramento, matindin depensa ang ibonakod ng Kings para mapigilan ang karibal na makaiskor sa huling 3:11 ng laro.

Nanguna si Cauley-Stein sa Kings (6-14) na may 19 puntos, habang kumubra si George Hill ng 16 puntos.

Nagsalansan si Thompson ng game-high 21 puntos para sa Warriors (15-6), habang nag-ambag sina Pat McCaw at Draymond Green ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

CAVS 113, SIXERS 91

Sa Philadelphia, ipinamukha ni LeBron James na hindi pa handa ang Philadelphia 76ers na makipagsabayan sa Eastern Conference sa naiskor na si 30 puntos, 13 rebounds at anim na assists sa panalo ng Cleveland Cavaliers.

Nakubra ng three-time defending conference champions ang walong sunod na panalo. Kumasa si Dwyane Wade na may 15 puntos at humugot si Jeff Green ng 14 puntos at 10 rebounds.

“These guys are starting to turn the corner here,” sambit ni James.

“They have some great wins this year. We had to come in with the mindset that this isn’t the Sixers of three years ago, four years ago. They’re starting to turn the corner and you have to be locked in from the onset.”

Sinandigan ni Joel Embiid ang Sixers sa nahirit na 30 pountos at 11 rebounds.

“We didn’t make shots, we weren’t aggressive defensively, and they got what they wanted,” aniya.

CLIPPERS 120, LAKERS 115

Sa Los Angeles, naitala ni Lou Williams ang season-high 42 puntos sa panalo ng Clippers kontra Lakers sa ‘Battle in the Hollywood’.

Ratsada si Blake Griffin sa natipang 26 puntos at 11 rebounds para sa Clippers para sa ikatlong sunod na panalo.

Hataw si Kentavious Caldwell-Pope sa Lakers sa natipang 29 puntos, habang kumana sina Ingram at Jordan Clarkson ng tig-17 puntos.

Sa iba pang laro, ginapi ng Portland, sa pangunguna ni Damian Lillard na may 32 puntos, ang New York, 103-91; ginutay ng Houston Rockets ang Brooklyn Nets, 117-103; ipinagdiwang ng San Antonio ang pagbabalik-aksiyon ni Tony Parker tungo sa 115-108 panalo kontra Dallas Mavericks.