Ni NITZ MIRALLES

SAYANG at naka-off ang comment box ng Boomerang post ni Julia Barretto sa Instagram kasama sina Joshua Garcia, Robin Padilla at Sharon Cuneta na nagsasayaw sa shooting ng Unexpectedly Yours. Maganda sanang mabasa ang comments na tiyak positive dahil maganda at good vibes ang post.

Anyway, mamaya na ang premiere night ng Star Cinema movie at bukas ang simula ng regular showing. Feeling blessed ang JoshLia love team na makasama nila sina Sharon at Robin.

“We are both honored to be given the opportunity to work with them. Hindi namin pinalampas ang chance at nakaka-excite na marami kaming natutunan sa kanila. We are happy with the experience,” sabi ni Julia.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Maganda ang experience na makatrabaho sila,” sabi naman ni Joshua. “Kahit pagod na pagod sila sa shooting, bumabati pa rin sila sa lahat, wala silang nilalagpasan. Lahat binabati nila, staff, crew, co-stars. Parang mahihiya ka kung kami pa ang hindi babati. Nakaka-inspire mag-report sa taping na sila ang makakasama mo.”

‘Kaaliw lang na parang nahiya at speechless si Julia sa pambubuking ni Sharon sa relasyon nila ni Joshua. Pero si Joshua, natatawa lang at very cool. Sinundan ‘yun nang pagbibigay ng payo nina Sharon at Robin kina Julia at Joshua

“Kinikilig ako sa kanila at nakikita ko sa kanila ang passion na hindi ko nakikita sa ibang love team. It’s one thing to be in a love team for public consumption, pero nakikita kong faithful si Joshua kay Julia at maalaga. Please treasure each other. Focus who is most important para you don’t lose each other at para ‘di magsisi at para you’ll end up with the love of your life,” payo ni Sharon.

“Sabi nila ‘wag mabuhay sa nakalipas,” payo naman ni Robin. “Namnamin ang tamis ng kasalukuyan at ‘wag problemahin ang kinabukasan. Tamisan mo pa ang inyong nararamdaman.”

Samantala, nasa IG story ni Pocholo Barretto ang pagkikita nina Joshua at Inday Barretto, lola ni Julia, sa party sa bahay ng pamilya ni Julia. Natutuwa ang JoshLia fans na welcome at tanggap si Joshua ng pamilya ng girlfriend.