Ni ROBERT R. REQUINTINA

MAGING isa sa mga hurado sa actual competition ng 2017 Miss Universe beauty pageant sa Las Vegas, Nevada ngayong araw.

Untitled-1 copy

Matapos isarado ang semi-finalist vote, maaaring iboto ng pageant fans ang kanilang poboritong kandidata na makakapasok sa Top 16 ng beauty contest.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Ihahayag ang top 16 semifinalists ng American television host na si Steve Harvey matapos iprisinta nang live ang 92 kandidata sa Planet Hollywood sa Las Vegas.

Sa Manila, ang live broadcast ng 2017 Miss Universe pageant ay magsisimula ngayong araw, Lunes, ganap na 8:00 ng umaga.

Sinabi ng organizers na ang voting windows ay magaganap sa aktuwal na kompetisyon, kaya maging handa dahil mabilis lang itong mangyayari.

Mayroong dalawang paraan para bumoto: 1) Vote.MissUniverse.com – 10x per round; at 2) Sa Twitter sa paggamit ng #MissUniverse at ng #Bansa. Mabibilang ang retweets.

THANKFUL

Inihayag ni Miss Philippines Rachel Peters na prebilehiyong maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2017 pageant.

“Thank you for a truly amazing experience. I’ve learnt so much about myself these last few days and have made many wonderful friends that no matter what happens tomorrow, I already feel like a winner!” ani Peters sa Instagram.

“Philippines, it’s been such an honor to wear THE sash and to represent you. You’ve all been incredible (it blows my mind) and you’ve all done you’re part.. now it’s time for me to do mine! MAHAL KO PO KAYONG LAHAT,” aniya.

Dumating na ang pamilya at ilang mga kaibigan ni Rachel sa Las Vegas upang sumuporta sa kanya.

HOT FAVORITES

Patuloy na namamayani ang mga kandidata mula sa South Africa, Thailand, Colombia at Pilipinas sa betting sites sa London, US, Ireland at Australia, bilang mga paborito na maaaring makapag-uwi ng korona.

Sa betting sites na Centrebet, Pinnacle, Wiliam Hill, Nicer Odds, Paddypower.sport, at Sportbet.com.au, si Miss Thailand Maria Poonlertlarp ang nangunguna sa 2017 Miss Universe pageant.

Pumangalawa sa kanya si Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters; at si Miss Colombia Laura Gonzalez ang No. 3.

Pumang-apat si Rachel, samantalang panglima o pang-anim naman sa iba’t ibang betting portals.

Pero hindi naiimpluwensyahan ng mga resulta ng betting sites ang desisyon sa Miss Universe pageant. Matatandaan na noong 2015 ay pumasok sa Top 3 si Pia Wurtzbach sa lahat ng betting sites sa buong mundo, bago siya tinanghal na panalo.

Nasungkit ni Wurtzbach ang titulo para sa Pilipinas makaraan ang 42 taon.

Noong Enero 2017, hindi napasama si reigning Miss Universe Iris Mittenaire ng France sa Top 10 candidates ng mga betting site, pero siya ang nag-uwi ng korona.

Ang paboritong tinayaan ng bettors noon ay si Andrea Tovar ng Colombia na naging 2nd runner-up sa 66th edition ng pageant na ginanap sa Manila noong Enero.

Kung sakaling manalo si Peters sa pageant, siya ang ikaapat na Miss Universe ng Pilipinas. Ang naunang mga nagwagi sa naturang pageant ay sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973) at Wurtzbach (2015).

At kung makakapasok si Peters sa Top 16, siya ang magiging ikapito sa sunud-sunod na taong pagkakapasok ng Pilipinas sa semifinals ng prestihiyosong patimpalak.

MISS UNIVERSE 2018 IN PH?

Hindi pa kumpirmado ang mga ulat na gaganapin sa Manila sa susunod na taon ang Miss Universe 2018 beauty pageant, sa ikaapat na pagkakataon.

Gayunpaman, sa naunang panayam, sinabi ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, na hindi siya pabor na ganapin dito ang patimpalak, sa pagkakataong ito, dahil sa sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

“The security situation around the world is vulnerable. So siguro hindi na muna,” ani Singson, ang pangunahing katuwang ng Miss Universe Organization (MUO) sa Philippines noong Enero.

Nitong Hunyo, binigyan ulit ng MUO ang Pilipinas para maging host ng beauty pageant, ngunit hindi ito tinanggap ng gobyerno.

“No Miss Universe this year. Baka next year,” ani Tourism Secretary Wanda Teo sa International Conference on Sustainable Tourism for Development.