Ni: Leandro Alborote

VICTORIA, Tarlac – Isang dating overseas Filipino worker (OFW) ang ninakawan ng cell phone, pera at mahahalagang dokumento ng riding-in-tandem criminals habang sakay sa isang tricycle sa Victoria-San Agustin Service Road sa Barangay San Nicolas, Victoria, Tarlac, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Betty Gallano, 38, dating OFW at residente ng Bgy. San Agustin.

Dakong 11:00 ng umaga at sakay sa tricycle ang mag-asawang Gallano patungo sa Victoria, nang biglang habulin ng riding-in-tandem ang bag ni Betty na naglalaman ng dalawang cell phone na nagkakahalaga ng P35,000, isang ATM card, P20,000 cash, Nokia cell phone na nagkakahalaga ng P5,000, at mahahalagang dokumento.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa report, ang mga suspek ay balingkinitan at ang mga mukha ay natatakpan ng T-shirt, at pinaniniwalaang kumikilos sa ilang lugar sa Victoria.