Sususpindehin, babalasahin o sisibakin sa tungkulin ang mga opisyal na hinihinalang sangkot sa illegal recruitment at kakasuhan kapag napatunayang nagkasala pagkatapos ng imbestigasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa isang press conference, sinabi ni Labor Undersecretary Dominador Say na papalitan ang 40 sekyu at janitor dahil sa umano’y pagkasangkapan sa kanila sa illegal recruitment schemes sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

Sina Say at Usec. Bernard Olalia ang naatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ipatupad ang suspensiyon at kanselasyon ng mga lisensiya ng recruitment agencies na sangkot sa illegal recruitment.

Kaugnay ito sa modus na paggamit sa mga janitor at security guard upang maghatid ng mga papeles sa mga kasabwat na opisyal. - Mina Navarro

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?