WASHINGTON (Reuters) – Ibinalik ni President Donald Trump ang North Korea sa listahan ng state sponsors ng terorismo nitong Lunes, ang marka na nagpapahintulot sa United States na magpataw ng sanctions at magpapatindi sa tensiyon sa nuclear weapons at missile programs ng Pyongyang.
“In addition to threatening the world by nuclear devastation, North Korea has repeatedly supported acts of international terrorism, including assassinations on foreign soil,” ani Trump sa mga mamamahayag sa White House.
Tatlong bansa ang naunang tinukoy ng United States -- ang Iran, Sudan at Syria – na mga estadong sumusuporta sa terorismo.