GINAPI ng University of Santo Tomas ang Far Eastern University, 86-72, kahapon para makausad sa susunod na level ng UAAP Season 80 women’s basketball stepladder semifinals sa Smart Araneta Coliseum.

Hataw si Sai Larosa sa naiskor na 10 puntos sa payoff period para sandigan ang Tigresses sa krusyal na panalo.

“We had a lot of free throws missed that we had to work on. Good thing our defense held in the final five minutes,” sambit ni UST coach Haydee Ong.

Nanguna si Anjel Anies sa Tigresses sa nakubrang 24 puntos, habang kumana si Jem Angeles ng 14 puntos, limang rebounds at dalawang assists at tumipa sina Kikay Gandalla at Lon Rivera ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Haharapin ng UST ang may bentaheng twice-to-beat na University of the East sa Miyerkules.

“One game at a time. Lahat ng games knockout. We are hoping for the best,” pahayag ni Ong, dating national mentor.

Naghihintay sa Finals ang National University matapos ang dominanteng 14-game sweep sa double round elimination. Tangan ng lady Bulldogs ang malinis na karta sa 64 na laro mula noong 2014.

Iskor:

UST (86) - Anies 24, Angeles 14, Gandalla 11, Rivera 10, Larosa 10, Peñaflor 8, Jerez 7, Portillo 2, Aujero 0, Sanggalang 0, Isanan 0.

FEU (72) - Arellado 19, Garner 12, Balleser 11, Taguiam 11, Antiola 4, Bastastas 4, Jumuad 4, Ouano 3, Okunlola 2, Quiapo 2, Bahuyan 0, Mamaril 0, Payadon 0.

Quarterscores: 19-19, 39-31, 60-55, 86-72