BUENOS AIRES (AP) – Na-detect ng Argentina Navy ang pitong satellite calls nitong Sabado na pinaniniwalaan ng mga opisyal na posibleng nagmula sa isang submarine na may 44 crew members na tatlong araw nang nawawala.
Ipinahihiwatig ng tangkang pakikipagkomunikasyon “that the crew is trying to re-establish contact, so we are working to locate the source of the emissions,’’ saad ng Navy sa Twitter account, idinagdag na ang mga tawag ay tumagal ng apat hanggang 36 segundo.
Nilnaw ng Argentine authorities na hindi pa kumpirmadong ang mga tawag ay nagmula sa ARA San Juan submarine, ngunit malaki ang posibilidad.
Huling nagkaroon ng contact ang mga awtoridad sa German-built, diesel-electric sub noong Miyerkules habang naglalayag ito mula sa southern port ng Ushuaia patungong Mar del Plata.