Nagkasundo ang mga gobernador at alkalde ng ASEAN capital cities na magtulungan laban sa terorismo.

Sa 5th Meeting of Governors/Mayors of ASEAN Capital Cities, may temang “Bridging Capital Cities for Stronger ASEAN,” masusing tinalakay ng mga lokal na opisyal mula sa 10 member-states ng ASEAN ang isyu ng seguridad.

Ayon kay Universidad de Manila (UDM) President Ernest Maceda, kinatawan si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa isang araw na summit na ginanap sa Ayuntamiento De Manila sa Intramuros nitong Biyernes, tinalakay ng mga opisyal ang kani-kanilang kaalaman at karanasan sa seguridad at kontra-terorismo.

“We discussed best practices and there were suggestions on how we could integrate our security measures,” aniya. - Mary Ann Santiago

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji