NASIKWAT ni Filipino Grandmaster Rogelio 'Joey' Antonio Jr. ang runner-up honor sa katatapos na 27th World Senior Chess Championship 2017 (50+ and 65+ Open-men and women) sa Acqui Terme, Italy.
Nakakolekta ang walang gurlis na si Antonio ng kabuuang 8.5 puntos mula sa anim na panalo at limang tabla para makasalo si GM Eric Prie ng France sa No. 2 spot. Subalit nakopo ng 13-time Philippine Open champion ang silver dahil sa bisa ng superior tiebreak points na naghatid kay Prie sa third place.
Nakopo ni top seed GM Julio Granda Zuniga ng Peru ang korona matapos makaipon ng 9.5 puntos mula sa walong panalo at tatlong tabla sa 11 Round Swiss-system format ng 50 and over division.
Tangan ang advantageous white pieces, ipinakita ng 55-anyos na pambato ng Calapan, Oriental Mindoro husay matapos ma kontrol ang buong laro tungo sa panalo kontra kay Italian International Master Spartaco Sarno sa 51 moves ng Caro-kann-French defense transposition skirmish.
Sa panig ni Zuniga, nagkasya siya sa quick draw kontra kay GM Giorgi Bagaturov ng Georgia sa10 moves ng Queens Gambit Declined habang nakihati ng puntos si Prie kay IM Evgenij Kalegin ng Russia matapos ang 6 moves ng Center Counter game.
Ayon kay Philippine executive chess champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe na matiyagang nakasubaybay sa laro via live streaming sa chessbomb.com, sa pagtatapos si Antonio ay may dalawang connected pawns sa f at g-file kontra kay Sarno na may rook at pawn sa a-file.
“He made good on his promise to fight with all his might in the last round to make the country proud,” sabi ni Philippine executive chess champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, director ng National Chess Federation of the Philippines sa gabay ni chairman/president Prospero “Butch” Pichay Jr.
Una rito tinalo ni Antonio si Andres Belmont Hernandez ng Mexico sa first round at Karl-Heinz Kannenberg ng Germany sa second round at nakipag draw kay IM Devaki V Prasad ng India sa third round kasunod ng pagpapadapa kay IM Alexander Reprintsev ng Ukraine sa fourth round at FM Pavel Certek ng Slovakia sa fifth round. Sumunod ang back-to-back draws kina Zuniga sa sixth round at Prie sa seventh round bago talunin si FM Krishan Jhunjhnuwala ng USA sa eight round. Tabla siya kay GM Zurab Sturua at GM Giorgi Bagaturov ng Georgia sa ninth at tenth round, ayon sa pagkakasunod bago padapain si Sarno sa last round.
“Sana ang panalo ko ay magbubukas ng pinto para sumigla muli ang chess sa atin,” pahagay ni Antonio.
Nauwi naman sa tabla ang huling laro ni Asia’s First GM Eugene Torre sa kay last year champion at tournament favorite GM Anatoly Vaisser ng France sa 57 moves ng Owens defense tungo sa total 8.0 puntos at makisalo sa second hanggang10th places.
Kung nanalo si Torre sa huling laro makukuha niya ang titulo at korona sa 65 over division. Matapos ipatupad ang tie break points , si Torre ang hinirang na overall 7th place.