Ni ROBERT R. REQUINTINA

Dalawang Filipino beauty queens ang nanalo ng major special awards sa international pageants -- sa Miss World 2017 at Miss Scuba International 2017 - na ginanap sa China at sa Malaysia nitong Sabado ng gabi.

Sa Miss World 2017 pageant na ginanap sa Sanya, napanalunan ni Laura Lehmann ang Beauty with a Purpose award, kasama ang mga kandidata mula sa India, Indonesia, South Africa at Vietnam.

Laura Lehmann
Laura Lehmann
Si Lehmann, estudyante ng Ateneo de Manila University sa Quezon City, ang unang Filipino na nagwagi ng major special award simula nang ito ay itatag noong 2001.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang Beauty With A Purpose ay isang event na inistablisa ng Miss World Organization na nagbibigay ng award sa contestants na may most relevant charity program sa kanyang bansa.

Ang proyekto ni Lehmann ay milk bank para sa pediatric ward ng Jose Reyes Hospital sa Manila.

Sa unang bahagi ng ageant, ang dating sportscaster ng University Athletic Association of the Philippines ay agad na nakapasok sa Top 40 na manalo siya sa head-to-head debate challenge.

Gayunman, hindi pinalad si Lehmann na makapasok sa Top 15 semi-finals. Si Manushi Chhillar ng India ang kinoronahang Miss World 2017.

May kabuuang 118 kandidata ang sumali sa 67th Miss World beauty contest.

Sa Kota Kinabalu, napanalunan ni Sherlyn Legaspi Doloriel ang Miss Photogenic sa Miss Scuba International 2017 pageant.

Nakapasok din si Doloriel sa Top 5 ng contest na naglalayong ipreserba at protektahan ang karagatan.

Si Miss USA Brittany Anne Novick ang nanalo sa pageant for scuba divers.

Noong nakaraang Biyernes, si Mary Ann Mungcal ng Pampanga ay nagtapos sa Top 20 ng Miss Global pageant na ginanap sa Cambodia. Si Miss Brazil ang nanalo sa beauty contest.

Dalawa pang Pinay beauty queens ang lalaban sa international pageant scene bago matapos ang buwan.

Sa Nob 26 (Nov. 27 Manila time), lalaban si Rachel Peters sa 66th Miss Universe beauty contest sa Las Vegas, Nevada.

Sa Nov. 29 naman kakatawanin ni Ilene Astrid de Vera ang Pilipinas s a Miss Asia Pacific International 2017 pageant na gaganapin sa Resorts World Manila sa Pasay City.