Ni REGGEE BONOAN

TAON ni Iñigo Pascual ang 2017. Bukod sa kaliwa’t kanang trabaho, siya rin ang napili para kumanta ng Remember Me theme song ng animated movie na Coco ng Disney Pixar.

Iñigo copy

“Boses ni Iñigo ang maririnig na kumanta ng Coco theme song for Southeast Asia kasi iba naman ‘yung sa US, kaya ang saya-saya ni bagets,” sabi ng source namin sa Cornerstone management agency ni Iñigo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Aminado maging ang tatay niya na si Piolo Pascual na mas maganda ang boses ni Iñigo kaysa kanya dahil nag-i-international na ang level ng binata.

Bukas sa ASAP mapapanood ang music video ng Remember Me na sinulat ng Academy Award winner na si Kristen Anderson-Lopez at Robert Lopez, ang mga sumulat din sa theme song ng Frozen (2013) na Let It Go na kinanta ni Demi Lovato.

Mapapanood ang animated movie Coco sa Nobyembre 22.

Samantala, sold out na ang Dahil Sa ‘Yo, Thanksgiving Concert ni Iñigo sa Music Museum sa December 1, 8:00 PM.