Ni JIMI ESCALA

ANG anak ni German “Kuya Germs” Moreno na si Federico Moreno ang nangangasiwa sa Walk of Fame. Kahit wala na si Kuya Germs, ipinagpatuloy ni Federico ang naiwanang heritage ng ng namayapang TV host.

empoy copy copy

Ayon pa kay Federico, tuluy-tuloy pa rin pagpili ng mga pagkakalooban ng bituin sa Walk of Fame sa Eastwood City.

Human-Interest

KMJS episode tungkol sa 'VA' story, umani ng samu't saring reaksiyon sa netizens

Ngayon ay hindi lang mga manggagawa sa pelikula ang kanilang pararangalan kundi maging ang nasa musika at news and public affairs.

Sina Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment at si Empoy Marquez ang dalawa sa mga bagong gagawaran ng Walk of Fame ngayong taon kasama ang ilan pang personalidad mula sa TV, Music, Radio at news and public affairs.

Ngayong taon, ayon pa rin kay Federico, ay nag-level-up na ang Walk of Fame dahil may mga napili silang may sinasabing mga personalidad na bumubuo sa Board of Trustees at sila ay sina Kevin Andrew Tan, Chairman of The Board; Federico Moreno,​President; Alice Eduardo,​​​ Vice President; Marichu Vera-Perez Maceda, Treasurer: Atty. Lito Go​​​, Corporate Secretary; Ricardo “Ricky” Lo​​​, Public Relations Officer; Isko Moreno​​​​, Board of Trustee; Dr. Cecilio Pedro​​​, Board of Trustee, Joey Abacan​​​​-Board of Trustee; Dr. John Nite​​​​, Board of Trustee; Jose Miguel Moreno​, Board of Trustee.

Ang Walk of Fame Philippines sa ilalim ng Walk of Fame Foundation ay non-profit organization na nilikha ni Kuya Germs 12 years ago upang magbigay ng pagkilala sa matagumpay na mga manggagawa sa pelikula, TV, radyo, theatro at musika at nagbibigay inspirasyon sa pagsulong ng industriya.

Ang beneficiary ng Walk of Fame Foundation ay ay Mowelfund Foundation.

Ang Walk of Fame induction ay gaganapin sa November 21, 6:00 PM sa Eastwood City Walk, Eastwood City, Quezon City.

Ngayong taon ay may 18 inductees, sila ay sina Mother Lily Monteverde, Karen Davila, Empoy Marquez​​, Anthony Taberna, Tulfo Brothers (Mon, Ben, Raffy & Erwin)​, Atom Araullo, Matteo Guidicelli, Mely Tagasa, Solenn Heussaff, Joe D’ Mango, Kris Bernal,​ Jake Zyrus​​​​​, Freddie Santos, Parokya ni Edgar.

Posthumous: Chichay, Maning Borlaza, Joe Taruc, Eddie Romero, at Isabel Granada.