Ni: Ador Saluta

MARIING itinanggi ni Kisses Delavin ang balita na ang kapwa Pinoy Big Brother housemate niyang si Edward Barber na ang bago niyang makaka-love team. 

kISSES copy

Ang kasalukuyang onscreen partner ni Edward ay ang PBB Big Winner na si Maymay Entrata.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Para kay Kisses, hindi ito magandang balita. Baka daw siya mapagbintangang mang-aagaw ng leading man. 

Dating kalabtim ni Kisses si Marco Gallo, pero nagkaroon sila ng ‘di pagkakaunawaan hanggang sa pansamantalang pinaglayo.

Katwiran ni Kisses kung bakit mariin niyang punabulaanan ang tsikang si Edward ang iniuugnay sa kanya ngayon?

“May respeto ako sa partner ni Edward. May respeto po ako sa lahat ng kaibigan ko. Hindi po ako open na maki-partner sa partner ng kaibigan ko,” pahayag ni Kisses sa interview ng ABS-CBN News.

Kamakailan ay kinumpirma niyang hindi na niya ka-tandem si Marco Gallo at mas masaya siya sa solo career niya ngayon.

“If may part sa akin na nalulungkot, ‘yun ‘yung sa fans, ‘yung sa KissMarc supporters kasi love ko sila. And it hurts me to think na nagdurugo ang puso nila because of the love team. Pero what I can promise them is that it’s for the best. Talagang ngayon I feel happier, I feel blessed, I feel free, I feel comfortable, I feel safe.”

Payo niya sa KissMarc fans, “mawawala rin ang kalungkutan na nararamdaman nila at mas makabubuti ito para sa lahat,” kanyang mensahe.