Ni: Mary Ann Santiago

Isang 19-anyos na tricycle driver ang nasawi nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakaupo sa harapan ng isang establisimyento sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Jomar Casila, 19, tricycle driver at residente ng Camia Street, Tondo, bunsod ng tinamong dalawang tama ng bala sa dibdib at dalawa pa sa braso.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin, na tumakas sakay sa hindi naplakahang motorsiklo.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), dakong 2:00 ng umaga nang mangyari ang krimen sa harapan ng Minitel sa Gumamela Street sa Road 10.

Nakaupo sa harapan ng naturang establisimyento ang biktima nang hintuan siya ng mga suspek na mangkaangkas sa motorsiklo.

Kaagad umanong bumaba ang back rider at walang sali-salitang sunud-sunod na pinaputukan ang nabiglang biktima, gamit ang isang .9mm caliber pistol.