UNITED NATIONS (United States) (AFP) – Tatlumpu’t isang bagong sexual abuse at exploitation allegation ang iniulat ng United Nations sa loob ng tatlong buwan nitong Biyernes.

Magmula Hulyo hanggang Setyembre, aabot sa 12 bagong kaso ang iniulat sa anim na peacekeeping missions sa Central African Republic, sa Democratic Republic of Congo, Haiti, Liberia, Mali, at South Sudan.

Labinlimang alegasyon ang iniulat ng UN refugee agency UNHCR, habang tatlong bagong kaso na kinasasangkutan ng staff ng International Organisation on Migration at isang alegasyon ay laban sa UN children’s agency UNICEF.
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM