Ni NITZ MIRALLES
NASA bakasyon sa New York sina Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby at nangako si Kris na isi-share ang happenings nilang mag-ina via social media.
Sabi ni Kris, time ng mga anak to be with her habang bakasyon sila dahil pagbalik niya, dire-deretso na uli ang trabaho niya hanggang Christmas.
Walang TV show si Kris at wala ring ginagawang pelikula, pero busy siya sa sunud-sunod na launching, TVC shoot for her endorsements, shoot for her digital show at ang pag-aasikaso sa lumalago niyang food business.
Sa sobrang husay ni Kris as entrepreneur o business executive, bago pa natin malaman, may food empire na siya.
Sa isang post, binati niya ng Happy 25th Anniversary ang Potato Corner at ibinalitang, “We now own & operate 9 branches of Potato Corner + @nachobimby, very soon by 1st week of November we’ll have 10 (that branch will be opening @iloveayalamallsthe30th). “
Isa sa nag-comment sa post na ito ni Kris ay si Carla Abellana na nagsabing, “I continue to dream, strive, pray, and work hard to open my first @potatocornerph. Hopefully very soon. I look up to you, Ms. @krisaquino.”
Samantala, natuwa ang fans ni Regine Velasquez sa inamin ni Kris na “I’m a forever Reginian” at “I bought her album on iTunes R3.0.”