Isa ang patay at dalawa ang sugatan nang sumalpok ang isang dump truck sa nakaparadang 14-wheeler truck sa Payatas Road, Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni Police Supt. Roldante S. Sarmiento, hepe ng Quezon City-Traffic Sector 5, ang nasawi na si Cielito Halili y Sevilla, 47, driver ng dump truck (RKN 226), at nakatira sa San Fernando, Pampanga.

Habang ligtas na sa tiyak na kamatayan ang magkapatid na pahinante ng dump truck na sina Beljan Mirabueno Yabut at Alvin Mirbueno Yabut, kapwa ng Porac, Pampanga.

Sa report ni SPO4 Gary Talacay, sinalpok ng dump truck na kargado ng tone-toneladang buhangin ang Aluminum Izuzu truck (AWA – 7283) na nakaparada sa tapat ng isang junkshop sa Payatas Road, Barangay Commonwealth, dakong 2:00 ng madaling araw kamakalawa.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Sa lakas ng pagkakasalpok ay naipit sa loob ng sasakyan si Halili at tumagal ng isang oras bago tuluyang na-rescue ng awtoridad at isinugod sa ospital ngunit nasawi rin.

Ayon kay PO3 Alfredo Moises, patungo ang dump truck sa direksiyon ng Montalban at matulin na binabaybay ang Payatas Road hanggang sa tuluyang sinalpok ang nakaparadang 14-wheeler. - Jun Fabon