Maaaring maging katapusan na ng mundo ang nuclear war, babala ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan sa gitna ng napaulat na lumalakas na banta ng nuclear attack mula sa North Korea.
Nagbabala si Duterte na hinihila ni North Korean leader Kim Jong-Un ang mundo “to the edge of eternity” sa nuclear weapons program.
“There’s a guy playing with his nuclear bombs, and bringing us to the edge of eternity,” ani Duterte sa pagbisita niya sa isang child development center sa Davao City nitong Biyernes.
“Do you think we can survive a war, a nuclear holocaust, with so many bombs? It’s the end of the world,” dagdag niya.
Umiinit ang tensiyon sa pagitan ng North Korea at United States kasunod ng mga serye ng nuclear at missile tests ng Pyongyang nitong mga nakaraang buwan.
Kinilala ni Duterte na ang China ang natatanging may kakayahang pigilan ang nuclear plans ng North Korea. Sinabi niya na nababahala ang China sa nuclear attack ng North dahil sa isang iglap ay kaya nitong wasakin ang buong rehiyon. - Genalyn D. Kabiling