Hiniling ni dating senador Jose “Jinggoy” Estrada sa Sandiganbayan na makabiyahe sa Singapore sa susunod na buwan para samahan ang amang si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa pagpapagamot nito.

Umapela si Estrada sa 5th Division ng Sandiganbayan na pahintulutan siyang lumabas ng bansa mula Nobyembre 11 hanggang 20 para alalayan ang dating pangulo na sasailalim sa medical procedure dahil sa matinding pananakit ng likod.

Pansamantalang nakakalaya si Estrada sa kasong plunder at graft kaugnay sa pork barrel fund scam matapos makapagpiyansa kamakailan. - Rommel P. Tabbad

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter