Ni: Lyka Manalo

CALACA, Batangas - Ginawaran kamakailan ang munisipalidad ng Calaca sa Batangas bilang Most Bussiness Friendly Local Government Unit sa 43rd Philippine Business Conference of the Philippines ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

Ayon kay Calaca Mayor Sofronio Manuel Ona, personal na iginawad ni Pangulong Duterte at ng PCCI ang parangal sa seremonya sa Manila Hotel nitong Oktubre 19.

Ang Calaca ang nag-iisang munisipalidad na tumanggap ng nasabing pagkilala dahil sa maayos na pangangasiwa at sa pagpasok ng mga kapitalista sa nasabing bayan na nagbibigay ng trabaho at malaking kita para sa lokal na pamahalaan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito