BASEL, Switzerland — Bumalikwas si Roger Federer sa kabiguan sa first set para maisalba ang panalo kontra 28th-ranked Adrian Mannarino, 4-6, 6-1, 6-3, nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa Swiss Indoors quarterfinals.

Nangailangan ang top-seeded Swiss ng dalawang break points para maisalba ang paghahabol sa 3-2 sa krusyal na third set.

Roger Federer (Alexandra Wey/Keystone via AP)
Roger Federer (Alexandra Wey/Keystone via AP)
Sunod na makakaharap ni Federer si David Goffin ng Belgium, nagwagi kay Jack Sock ng US, 7-6 (6), 6-3.

Magtutuos naman sa magkahiwalay na semifinal duel sina Marin Cilic at Juan Martin del Potro, kapawa naging kampeon sa US Open. Naisaayos ang duwelo nang magwagi ang second-seeded na si Cilic kay 100th-ranked qualifier Marton Fucsovics ng Hungary, 7-6 (3), 5-7, 7-6 (4).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umusad naman si fourth-seeded Del Potro nang maghari kay sixth-seeded Roberto Bautista Agut ng Spain, 6-2, 2-6, 6-4.