Ni NITZ MIRALLES

IPINOST ni Robin Padilla ang pictures nang magbigay sa kanya ng tseke sina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal para sa pagbangon ng Marawi City. Sa isang picture na magkakasama silang tatlo, hawak ni Robin ang tseke na galing kay Piolo.

ROBIN DIREK JOYCE AT PIOLO copy

Ang isa pang picture, pumipirma sa tseke si Piolo at kasunod nito ang picture na nakasulat ang halaga ng donasyon ni Piolo. Sa dalawang kasunod na pictures, si Bb. Joyce naman ang pumipirma ng tseke at kung magkano naman ang ibinigay niyang tulong sa pamamagitan ni Robin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya... Hindi ko masabi na religious act ang ipinakita nila sa akin ngayong gabi ng ika-23 ng Oktubre 2017 sapagkat maraming religious na tao pero walang act na ganito...

pagkatapos na pagkatapos na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag-goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nag-donate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa Marawi.

“(One) 1 million piso galing kay kapanalig na Piolo Pascual at 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal.

Maraming-maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinasyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino... Mabuhay kayo, aking mga kaibigan!!! Mabuhay ang inyong mga spirit! Dasal ko’y kumalat ang mga #spiritualact ng bawat Pilipino upang manaig ang ating lahing pagka-Tagalog!! Sa salitang Tagalog katutura’y ang lahat ng tumubo sa sankapuluang ito, sa makatuwid, Bisaya man, Iloko man, Kapangpangan man, etc., ay Tagalog din.”