Ni: Gilbert Espeña

MULING sasampa sa lonang parisukat ang tubong Cebu City na si dating International Boxing Association (IBA) super flyweight champion Bruno Escalante para humarap laban sa mas beteranong si Alex Rangel ng Mexico sa Nobyembre 17 sa Reno Sparks Convention Center sa Reno, Las Vegas Nevada.

Matagal hindi naging aktibo sa boksing si Escalante matapos matalo sa puntos sa rematch sa Amerikanong si Michael Ruiz Jr. noong Hunyo 11, 2016 sa 16th Street Rail Station sa Oakland, California.

Bago ito, natalo siya sa puntos kay world rated Oscar Cantu ng Mexico sa 10-round na sagupaan noong Disyembre 12, 2015 para sa bakanteng NABF super flyweight title sa Robstown, Texas.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

May rekord si Escalante na 14-3-1 draw na may 6 panalo sa knockouts samantalang si Rangel ay may kartadang 17-7-3 na may 11 panalo sa knockouts.