Ni BELLA GAMOTEA

ARESTADO ang isang comedian/TV personality/actor na inakusahang nangmolestiya ng isang binatang bell attendant sa hotel-casino sa Parañaque City nitong Linggo ng hapon.

Atak copy copy

Nasa kustodiya ng Parañaque City Police ang suspek na si Ronie Arana y Villanueva, alyas Atak, 45, ng No.12 New Manila, Quezon City dahil sa posibleng kakaharaping kasong Acts of Lasciviousness.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kinilala naman ang complainant na si Mark Christian Macavinta y Tinagan, 21, bell attendant ng Okada Manila, nakatira sa No. 6515 Metrohomes, 4D3 Pureza, Sta. Mesa, Manila.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa loob ng Room No. 725 ng Okada Manila, Tambo, Parañaque City, dakong 2:40 ng hapon.

Batay sa reklamo ng biktima, nagtatrabaho ito sa pag-asiste sa suspek patungo sa complimentary room nito subalit bigla umanong isinara ni Arana ang pinto at puwersahang niyakap at hinalikan si Macavinta at saka hinawakan ang kanyang ari.

Nagawa namang makatakas ng biktima at agad na ipinabatid ang insidente sa kanilang security personnel na nauwi sa pagkakaaresto sa suspek.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang nasabing insidente.