GENEVA (AP, AFP) – Sinabi ng pinuno ng World Health Organization na muli niyang pinag-iisipan ang pagtatalaga kay Zimbabwe President Robert Mugabe bilang “goodwill ambassador.”

Sa isang bagong tweet, sinabi ni WHO director-general Tedros Ghebreyesus na “I’m listening. I hear your concerns. Rethinking the approach in light of WHO values. I will issue a statement as soon as possible.’’

Ikinagulat at tinuligsa ng marami ang pagtatalaga sa 93-anyos na si Mugabe sa WHO para tumulong sa pagtugon sa non-communicable diseases sa Africa. Idiniin ng mga kumokontra ang rekord ng gobyerno nito sa paglabag sa mga karapatang pantao at pagbagsak ng health care system ng Zimbabwe sa ilalim ng kanyang rehimen. Kabilang sa mga umalma ang Canada at United States.

Sinabi ng US State Department na ang appointment ni Mugabe “clearly contradicts the United Nations ideals of respect for human rights and human dignity.’’

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinabi naman ng Canada na ‘’absolutely unacceptable’’ at ‘’ridiculous’’ na italaga si Mugabe sa WHO.

‘’When I heard of Robert Mugabe’s appointment... quite frankly, I thought it was a bad April Fool’s joke,’’ ani Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa press briefing nitong Sabado.

Nanawagan ang Canadian foreign ministry na bawiin ang appointment ‘’without delay.’’