Ni NORA CALDERON

Sa grand presscon ng This Time I’ll Be Sweeter ng Regal MultiMedia Inc. at nag-enjoy ang entertainment press sa mabilis at candid na sagot ng cast with Direk Joel Lamangan.

BARBIE AT KEN copy copy

Pero pagdating sa love life, nagkatawanan na lanag sina Barbie Forteza at Kim Rodriguez nang pareho silang i-link sa leading man nila na si Ken Chan.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Alam na ng press people kung sino ang tinutukoy na isa pang na-link sa dalawa, pero inunahan na ni Barbie na huwag nang pag-usapan dahil hindi naman kasama sa pelikula.

Kaya nagkabiruan nang pareho ngang si Ken ang naging topic ng usapan.

“Kami po ni Ken, talagang matagal nang magkaibigan,” kuwento ni Barbie. “Simula pa nang magkasama kami noong 2012 sa Tween Hearts, hindi na nagbago ang friendship namin, hanggang doon lang po iyon. Kaya naman very comfortable kami kahit saang project kami magkasama.”

“Kami po naman ni Ken, nagkasabay kaming nag-audition sa Tween Hearts,” sabi naman ni Kim. “Panay kuwentuhan lang kami hanggang sa pareho kaming natanggap at doon na nagsimula ang friendship namin.

“Ganoon po kami naging close agad ni Kim,” sabi naman ni Ken. “Since then, naging close na siya sa family ko at si Mama, ganoon na rin ang tawag ni Kim sa kanya. Hanggang sa ngayon, kapag nakikita ni Kim si Mama, as if anak din siya ng mother ko, kasi may younger brother lang ako, wala kaming sister.”

Pero na-open na nga ang tungkol sa isa pang na-link sa kanila kaya ang tanong, nagkailangan ba sina Barbie at Kim habang nagsu-shooting sila?

“Hindi po, walang nagbago sa friendship namin ni Kim. Wala naman pong dapat pagtalunan tungkol doon. Masaya po kami while doing this movie.”

“Trabaho po lamang kami ni Barbie, hindi siya dapat pag-usapan. Dito sa movie namin, kahit hindi naman masyadong mahaba ang role ko, nagkasama rin kami sa eksena at wala namang problema sa amin. Kinalimutan ko na rin iyon, naka-move on na ako at ngayon ko nga lang sinasagot kapag may nagtatanong.”

Based sa trailer ng This Time I Will Sweeter ay magandang love story ito na may kilig at konting comedy, pero malayo sa mga ginawa nang movies o teleserye nina Barbie at Ken. Showing na ito sa November 8, in cinemas nationwide.