Ni ADOR SALUTA

IKINAGULAT ng maraming fans ang pahayag ni Enrique Gil na “parang mag-asawa” na ang level ng relasyon nila ni Liza Soberano.

ENRIQUE AT LIZA copy copy

Marami agad ang nag-conclude na ginagawa na nilang dalawa kung ganoon ang gawain ng mag-asawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa panayam ng PEP sa aktor noong October 12, aniya, “Para sa akin, kami na, eh, lagyan mo ng label o wala. Parang parehas lang ‘yan, sa akin ngayon, parang ganu’n na rin. Parang mag-asawa na kami, mag-asawa na ‘yung level.’Yun ‘yung dating sa akin, ha? Ganu’n ‘yung nakikita ko. Wala na sa amin ‘yun, wala na, over na kami doon. It’s more of long term na ito, ganu’n na kami. Iba... iba.”

Ang pananatiling ‘malinis’ ang kanilang ugnayan ay bilang respeto na rin daw sa kahilingan ng nagpalaking lolo kay Liza na hindi muna ito makikipag-boyfriend.

Kaya nilinaw ni Enrique ang naging pahayag niya na “parang mag-asawa” na sila ni Liza.

“Nasabi ko lang sa reporter, I just want to let him know na we’re all matured, wala naman kaming masamang ginagawa, I’m serious. Parang nasa serious mode na kami ng relationship, na hindi kami nagpapa-tweetums lang.

“Matured naman kaming dalawa, at alam namin. Parang he’s putting me and Liza in a bad spot. Ayoko na lang masyadong pag-usapan. Gusto ko lang sabihin, I’m a grown man.”

Kinaklaro ni Enrique na gusto lang niyang patunayan na ang relasyon nila ni Liza ay hindi panandalian o pang-showbiz lang, gaya ng iniisip ng ibang tao.

“Bahala (sila) kung ano gusto nilang isipin, sinasabi ko lang na I’m matured. I know what I am doing, she knows what she is doing. Long term ang nakikita ko, hindi lang ito tweetums na puppy love. ’Yun ang gusto kong sabihin sa kanila.”

Kumusta ang lagay ng relasyon nila ni Liza?

“Getting stronger, better than ever. We’re happy,” sagot ni Enrique.

Samantala, ipinahayag ng aktor na hindi na siya makakasama sa cast ng Darna movie na pagbibidahan ni Liza.

“Wala na ako sa Darna. It’s final,” aniya. “Well, nag-meeting kami, wala na ako sa Darna. It’s final.”