Ni NITZ MIRALLES

ANG buong akala pala ni Marian Rivera noong una sa pagkakasama ng Super Ma’am sa list ng most-buzzed-about new shows ng Social Wit List for the month of September, nationwide o sa Pilipinas lang.

MARIAN copy copy

Worldwide ang survey kaya may rason para matuwa ang aktres at ang GMA-7.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Nagulat ako nang i-send ng bosses ng GMA ang e-mail at sobra akong thankful dahil hindi palagi nangyayari ‘yun. Kaya lalo naming paghuhusayan at gagalingan. Ang daming maggi-guest, every week yata may guest at isa na si Conan Stevens.

Saka next week, iba na ang costume ko, ‘yung kita na ang tiyan,” balita ni Marian nang makaharap namin sa set visit last Monday.

Ang mangyayari pala tuwing may natatalong kalaban si Super Ma’am, madadagdagan ang gadgets sa kanyang costume.

Nabanggit naman ni Direk LA Madridejos na this week na ang dating sa bansa ni Conan Stevens at agad nang sasalang sa taping.

Nagpapasalamat din si Marian na tumataas ang ratings ng Super Ma’am at sabi niya, “Bonus na sa akin ang ratings. Ang importante ‘pag lumalabas ako, ang tawag sa akin ay Super Ma’am at importante rin sa akin na may natututunan ang viewers lalo na ang mga bata. ‘Sine-send sa akin ang pictures ng mga bata na nanonood ng Super Ma’am na lalong nagpapasaya sa akin. Ito rin ang show na pinapanood ni Zia at ‘pag nakikita ako, sumisigaw ng ‘Mama’! ‘Kakatuwa.”

May wish si Marian na mag-crossover sa Super Ma’am si Dingdong Dantes bilang si Alyas Robin Hood 2. ‘Pag nangyari ‘yun, tiyak na matutuwa ang DongYan fans.

Mas sumaya ang kuwentuhan nang mapunta ang topic kay Dingdong dahil may halong R-16 at X-Rated ang tsikahan. Tinanong kasi si Marian kung paano humihiling ang asawa habang nasa kama sila?

“Hindi na niya kailangang humiling dahil gusto ko rin ‘yun, ha-ha-ha! Ang weird, sex life ang pinag-uusapan natin.

Sabi ko nga sa kanya, baka ‘pag nabuntis ako mahirapan ako sa fight scene sa Super Ma’am. Pero sabi niya, kaya ko ‘yun, kaya sige. Nanghihingi na rin naman ng baby brother o baby sister si Zia,” sabi ni Marian.

Naloka lang si Marian dahil pati ang boobs ni Kim Domingo na kasama niya sa Super Ma’am, itinanong sa kanya. Hindi raw ba nabibigatan si Kim sa boobs niya?

“Bakit sa akin n’yo itinatanong ‘yan? Boobs niya ‘yun at may sarili naman akong boobs,” reaction ni Marian sabay hawak sa boobs niya.

Naging emotional ang Kapuso Primetime Queen nang mapag-usapan si Zia at ang patuloy na pagbi-breastfeed niya kahit magdadalawang taon na ito sa susunod na buwan.

“Wala akong pakialam sa sinasabi na lumalaylay ang boobs ko o lalaki ang nipples ko sa pagbi-breastfeed kay Zia. Ang importante sa akin ang anak ko, ang kalusugan niya. Tanggap ko ang mangyayari sa katawan ko sa pagkakaroon ng anak, magka-stetchmarks man ako (na never nangyari sa kanya). Para sa anak ko, gagawin ko o gagawin namin ni Dingdong ang lahat,” pagtatapos ni Marian.