Ni NITZ MIRALLES

ANG ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo at si Karla Estrada na ina ni Daniel Padilla at mga kaibigan ng dalaga na sina Diego Loyzaga at Maris Racal ang nag-react sa body shaming na ginawa ni Xander Ford sa una.

MOMMY MIN AT KATHRYN copy

Nag-post si Min ng pasasalamat sa mga nagtanggol kay Kathryn dala ng video ni Xander Ford na pinuna ang pagiging sakang daw ng dalaga.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Maraming salamat po sa inyong lahat na nagmamahal kay Kathryn, na laging handa na ipaglaban at ipagtanggol siya. We have been so blessed in life that our hearts are filled with gratitude. Sa mga bashers at haters ni Kathryn at KathNiel, kasama na ang lahat ng mga nag-iisip ng masama sa amin, God bless your souls!”

Maganda ang payo ni Karla kay Xander na, “Lesson Learned. Ugaliin ang magsalita ng maganda sa kapwa. Matutong harapin ang pagkakamali at humingi ng tawad.

Nag-tweet naman si Diego ng, “Naku Marlou, laki ng pagkakamali mo. Ako sa ‘yo, paretoke ka uli para ‘di ka mamukhaan ng tao” na sinundan ni Maris ng, “Errr. Nagtitimpi nga lang ako nu’ng ininterview ko ‘yun.”

May pahayag din si Kathryn sa body shaming na ginawa ni Xander na noong una, itinanggi at nag-issue pa ng statement, pero ‘yun pala’y totoong inokray niya ang aktres. 

(Editor’s note: Basahin ang kaugnay na balita sa item ni Reggee.)

Ang latest, humingi ng tawad si Xander sa pang-ookray niya kay Kathryn at sinisi ang nag-upload ng video dahil hindi raw siya inirespeto.