Ni: Marivic Awitan

SA pinakahuling world ranking na inilabas ng FIBA (International Basketball Federation), nakapasok ang Pilipinas sa top 30 base sa ginamit na bagong sistema sa pagbibigay ng puntos ng world basketball governing body.

Batay sa bagong ranking na ibinatay sa mga resulta ng mga laro ng FIBA regional pre-qualifiers hanggang FIBA Basketball World Cup Final kabilang na ang Olympic Basketball Tournament at mga Continental Cups, may natipon ang Pilipinas na kabuuang 207.6 ranking points upang pumasok na pang-30.

Nanguna sa nasabing latest rankings ang Estados Unidos na may natipong 819.6 puntos,pangalawa ang Spain na may 693.2 puntos, pangatlo ang Serbia na may 641 puntos, pang-apat ang France na may 634.9 puntos at panglima ang Argentina na may 615.5 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Malapit namang pumang -anim ang Lithuania na may 615.4 puntos.

Ang iba pang nakapasok sa top 10 ay ang Slovenia (512.5), Croatia (499.5), Australia (470.4) at Brazil (466.2).

Ang bagong rankings ay ibinase lamang sa mga kompetisyon na sanctioned ng FIBA kung saan binibigyan ng puntos ang mga koponang pumasok sa finals ng bawat torneo.

“The new ranking was devised with our new calendar clearly in mind. We are pleased to offer more teams - 153 of them, compared to 91 previously - a ranking that can be updated after every window of the Qualifiers so that national teams, fans and their national federations can follow their progress on a more regular basis. Prior to the change, the rankings already proved to be among the most popular pages on FIBA.basketball and we expect there will be even more debating and conversations taking place following the implementation of this new one,” pahayag ni FIBA secretary -general at IOC board member Patrick Baumann.

Ang bagong FIBA World Ranking ay para sa senior men’s national teams at competitions habang gagawa pa lamang sila ng kahalintulad na sistema para sa women’s at youth (boys and girls).

Ang Pilipinas ang ikatlong Asian country kasunod ng Iran (22nd) at China (24th) ma pumasok sa top 30 ng bagong world rankings.