Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY – Patay ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo makaraang sumalpok sa nakaparadang truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Calle Vicente, Barangay Sumacab Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, chief, kinilala ang mga biktimang sina Raymart Carlos Borja, residente ng Purok 5, Bgy. Sumacab Norte; at Rodel Sagle Torres, 17, college student, ng Purok 2, Bgy. San Jose Norte.

Nabatid na dakong 12:45 ng umaga at patungong silangan ang minamanehong motorsiklo ni Borja, angkas si Torres, nang sumalpok ito sa nakaparadang Isuzu Intercooler L-300.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Pinaniniwalaang nakainom ng alak ang dalawang biktima.