Adamson celebrates during the UAAP Season 80 match against UP  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

NAISALPAK ni Sean Manganti ang putback shot may isang segundo ang nalabai sa laro para sandigan ang Adamson University sa makapigil-hiningang 73-71 panalo kontra University of the Philippines sa UAAP Season 80 seniors basketball championship sa Araneta Coliseum.

Nakuha ng 6-foot-4 forward ang bola mula sa mintis na putback ni Papi Sarr sa krusyal na sandali para makamit ang ikatlong sunod na panalo, habang natikman ng Maroons ang magkasunod na kabiguan.

Naunang naging bayani si Paul Desiderio sa UP nang maitabla ang iskor sa 71-all mula sa driving lay-up may 22 segundo sa final period. May sapat na oras ang Falcons para makagawa ng play, ngunit sumablay ang jumper ni Jerick Ahanmisi, gayundina ang putback ni Sarr.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Sa krusyal na sandali, nangibabaw ang determinasyon ni Manganti sa kanyang winning shot. Sa huling play ng UP, nagawang matapik ni Manganti ang bola sa inbound para selyuhan ang panalo ng Adamson.