Ni MELL T. NAVARRO

ANG critically-acclaimed na Maynila… Sa mga Kuko ng Liwanag, The Musical ay musical tribute ni Joel Lamangan sa kanyang mentor na si Lino Brocka.

RAFA SIGIUON-REYNA copy

Hango ang dula mula sa iconic novel ni Edgardo M. Reyes, at inspired ng classic film ni Brocka na hinalaw rin sa naturang nobela.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

 

Isa si Rafa Siguion-Reyna -- anak nina Direk Carlos Siguion-Reyna at Bibeth Orteza (at apo ni Armida Siguion-Reyna) -- sa powerhouse cast ng pinag-uusapang theater event of the season.

 

Rafa plays Imo, ang construction worker na naghahangad ng mas magandang buhay, at ka-alternate niya si Joseph Puducay.

 

Ayon kay Rafa, malaking challenge at pride sa kanya ang pakikipagtrabaho kay Joel Lamangan, gayundin sa kilalang dance choreographer na si Douglas Nierras.

 

“I feel like, ‘pag nakatrabaho o nadaaanan mo na ang isang Joel Lamangan at isang Douglas Nierras, kaya mo nang gawin lahat!” bulalas ni Rafa nang makausap namin.

 

Saan siya nahirapan sa Maynila… experience?

 

“Pinakanahirapan ako sa pag-retain ng stamina ko. Sa energy. The challenge on me in doing this play is ‘yung sing and dance, in character ka dapat, the whole process of being Imo. And imagine, nasa gitna ka nina Direk Joel and Tito Douglas! Kaya kailangan mong ma-overcome ang kaba mo. It’s a great Filipino musical. Nasa bucket list ko ito ‘coz my lola is a classical singer, too.”

 

Papaano niya ilalarawan ang pakikipagtrabaho kay Joel Lamangan?

 

“It was my first time to work with Direk Joel. Yes, naninigaw siya at kung minsan ay nakakapagmura, but he’s such a character. You can’t take it personally. Sabi niya lang, ‘It’s part of the game. It’s my job to make a good performance for everyone. Napagalitan niya rin ako sa rehearsals, pero for a good reason. Makikita rin dito ‘yung activist side of Direk Joel. 

 

“Si Direk Joel, ‘pag pinapagalitan ka, very charming pa rin siya. Sobrang nakakatawa ‘yung mga one liners niya! For example, sasabihin niya, ‘Ano ba kayo, para kayong mga baklang trabahador! Lalaki dapat!’ or ‘Gumanda na ang Act 2, ang chaka naman ng Act 1!’

 

“Nakakatawa at nakakatuwa siya. Pagod na kami, pero dahil sa touch of humor ni Direk Joel, you will really get amazed. Hindi puwede sa kanya ang ‘Puwede na ‘yan! Direk Joel and Tito Douglas really demand on a good performance.”

 

Lead actors ang mahuhusay na si Arman Ferrer (bilang Julio Madriaga), alternating as Ligaya Paraiso sina Sheila Valderrama-Martinez at Lara Maigue.

 

Kasama rin sina Dulce at Ima Castro (alternating as Mrs. Cruz), Rita Daniella and Aicelle Santos (alternating as Perla), Noel Rayos, Floyd Tena, Jim Pebanco, at marami pang iba.

 

Ongoing ang Maynila... Sa mga Kuko ng Liwanag sa Kia Theater, Cubao, Quezon City with last performances on October 4, 5, and 6, produced by Grand Leisure Productions.