Mga Laro Ngayon

(Filoil Arena, San Juan)

12 n.t. -- UPHSD vs San Beda (jrs)

2 n.h. -- UPHSD vs San Beda (srs)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

4 n.h. -- CSB vs JRU (srs)

6 n.g. -- CSB vs JRU (jrs)

JRU, mapapalaban sa St.Benilde; Bedan, magpapahiyang.

PATATAGIN ang kapit sa No.3 spot sa Final Four ang target ng Jose Rizal College sa pakikipagtuos sa sibak ng College of St. Benilde sa tampok na laro ngayon sa double-header ng 93rdNCAA basketball tournament second round elimination sa Filoil Arena in San Juan City.

Nanaig ang Bombers (8-6) sa Perpetual Altas, 85-52, nitong Biyernes para makaabante ng bahagya sa Letran (8-7) at San Sebastian (7-7) para sa labanan sa No.3 spot sa semifinal playoffs.

“If we keep playing with the same intensity as we did the last time, we have a chance,” pahayag ni Jose Rizal coach Vergel Meneses.

Tunay na hindi dapat maniguro ang Heavy Bombers higit at karangalan na lamang ang ipinaglalaban ng Blazers na masasabing sibak na sa labanan tangan ang 3-11 karta. Nakatakda ang laro ganap na 4:00 ng hapon.

Haharapin naman ng Pepetual Help College ang No.2 seed San Beda College sa unang laro sa 2:00 ng hapon.

Kakailangan ng Altas na mawalis ang mga nalalabing laro para makasiguro sa No.4 ng Final Four, kabilang ang duwelo sa Mapua sa Oct. 5, Arellano U sa Oct. 12, Emilio Aguinaldo sa Oct. 19 at ang naunsiyaming laro kontra San Sebastian.

“All our remaining games are a must-win for us,” pahayag ni Perpetual coach Jimwell Gican.

Ngunit, laban sa defending champion San Beda, mabigat ang hamon sa Perpetual.

Galing ang Red Lions sa 83-72 panalo kontra Arellano U nitong Huwebes para masiguro ang isa sa dalawang slots na may kaakibat na twice-to-beat advantage tangan ang 13-1 karta.

Nangunguna ang wala pang talong Lyceum of the Philippines na may 15-0 marka.